2012-08-03
Mamimiss kita ng sobra kapag wala ka na..
Nalalapit na ang pag-alis niya, luha sa aking mata'y di ko na mapipigilan pa, sa kaunting panahon na siya'y aking nakasama, labis na ligaya ang dinulot niya sa buhay kong walang sigla... eto ba epekto ng mesakit na malungkot napaparyhme? haha lol.... napuyat na nga ko kakaiyak kagabi heto na naman po tayo haha tsss ang babaw ng luha ko maiisip ko palang na aalis na siya at may posibilidad na hindi ko na siya makita.. kung sana mas maaga ko siyang nakilala... haixt.. kahit anong gawin ko hindi ko maikakaila sa sarili kong ngayon lang ako nahirapan ng ganito, alam kong simulat simula pa darating ang araw ng aalis siya at hindi na siya babalik, hindi ko lang lubos na inakalang magiging sobrang hirap pala nito para sa akin.. siya ung pinakamagandang nangyari sa buhay ko at kahit san man ako makarating, kahit ilang taon mang lumipas, mananatili siyang may magandang parte sa puso ko, hindi ko lang alam kung papaano ako magpapatuloy... mamimiss ko talaga siya ng sobra sobra, ung mga kwentuhan namin, ung mga times na kahit ang tagal at least nakikita ko but this time this is different. hindi na lang buwan ang hihintayin ko, kundi taon para makita siya o mas masaklap baka wala na talagang chance na makita ko siya ulet.. mamimiss ko talaga siya ;( pusang gala naman naiiyak na naman ako haha
Subscribe to:
Comments (Atom)
